MGA TUNGKULIN NG WIKA
1. Instrumental
- Ang tungkulin ng wika sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling itosa pakiki-usap o pag-uutos.
Halimbawa:
Inilalahad ng larawan na to ang halimbawa ng instrumental dahil ito’y nakikiusap sa mga tao na isaayos ang pagpaparada ng kanilang mga sasakyan.
2. Regulatoryo
Halimbawa:
- Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay.
Pagbibigay panuto o direksyon.
3. Interaksiyonal
- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan at pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu.
Halimbawa:
Ang larawang ito ay isang halimbawa ng Interaksiyonal na tungkulin ng wika bagamat ginamit nila ito sa pakikisalamuha sa kapwa at pakikipag biruan.
3. Interaksiyonal
- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan at pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu.
Halimbawa:
Ang larawang ito ay isang halimbawa ng Interaksiyonal na tungkulin ng wika bagamat ginamit nila ito sa pakikisalamuha sa kapwa at pakikipag biruan.
- Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro.
Halimbawa:
Pagsulat ng
talaarawan at
journal.
5. Heuristiko
- Ginamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman o impormasyon ukol sa kapaligiran.
Halimbawa:
Nakikipagpanayam upang malaman nila kung maganda ba sa ibang unibersidad na kanilang pinanggalingan dahil sila'y mga transferee students.
6. Impormatibo
- Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormayon sa paraang pasulat at pasalita.
Halimbawa:
Kailangan niya ng impormasyon kaya pumunta siya ng library dahil ang libro ang magbibigay sa kanya ng mga impormasyon na makatutulong sa kanya.
PARAAN NG PAGBABAHAGI NG WIKA
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
- Saklaw nito ang pagpapahayag saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa:
Wala siyang lakas na loob para sabihin ang kanyang nadarama kaya ito'y kanyang sinulat sa pamamagitan ng liham.
2. Panghihikayat (Conative)
- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
Halimbawa:
Isang ina na hinihikayat ang kanyang mga anak na mag aral ng mabuti kay sa maglaro ng mga gadget.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
- Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makagsimula ng usapan.
Halimbawa:
Pasukan na at may bago ka na namang mga kaklase at sila'y iyong nilapitan at nakikipagkaibigan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
-Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Halimbawa:
Kayo ay binigyan ng asignatura at sabi ng iyong guro na kunin ang sanggunian sa aklat na iyong ginamit.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
- Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Halimbawa:
Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino, komento ng isang mamamayan.
6. Patalinghaga (Poetic)
- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaa, prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa:
Ikaw ay sumulat ng isang tula sa matalinghagang paraan para sa iyong minamahal.