Biyernes, Agosto 11, 2017

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

                                   
     MGA TUNGKULIN NG WIKA

1. Instrumental

         - Ang tungkulin ng wika sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling itosa pakiki-usap o pag-uutos.

Halimbawa:
13524226_1216381471736098_1788753678_o (1).jpgInilalahad ng larawan na to ang halimbawa ng instrumental dahil ito’y nakikiusap sa mga tao na isaayos ang pagpaparada ng kanilang mga sasakyan.


2. Regulatoryo
    - Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay.

Halimbawa:
Image result for direksyon
Pagbibigay panuto o direksyon.

3. Interaksiyonal
        - Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan at pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu.

Halimbawa:
Ang larawang ito ay isang halimbawa ng Interaksiyonal na tungkulin ng wika bagamat ginamit nila ito sa pakikisalamuha sa kapwa at pakikipag biruan.
4. Personal
     - Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro.

Halimbawa:
Image result for diary
Pagsulat ng 
talaarawan at 
journal.








5. Heuristiko
  - Ginamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman o impormasyon ukol sa kapaligiran.

Halimbawa:

Nakikipagpanayam upang malaman nila kung maganda ba sa ibang unibersidad na kanilang pinanggalingan dahil sila'y mga transferee students.

6. Impormatibo
- Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormayon sa paraang pasulat at pasalita.

Halimbawa:

Kailangan niya ng impormasyon kaya pumunta siya ng library dahil ang libro ang magbibigay sa kanya ng mga impormasyon na makatutulong sa kanya.

                         
      PARAAN NG  PAGBABAHAGI NG WIKA

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
  - Saklaw nito ang pagpapahayag saloobin, damdamin, at emosyon.

Halimbawa:

Image result for liham ng pag ibig
Wala siyang lakas na loob para sabihin ang kanyang nadarama kaya ito'y kanyang sinulat sa pamamagitan ng liham.

2. Panghihikayat (Conative)
- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

Halimbawa:
Image result for a mother wants her daughter to study hard
Isang ina na hinihikayat ang kanyang mga anak na mag aral ng mabuti kay sa maglaro ng mga gadget.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
        - Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makagsimula ng usapan.

Halimbawa:

Image result for alone student you make friends

Pasukan na at may bago ka na namang mga kaklase at sila'y iyong nilapitan at nakikipagkaibigan.

4. Paggamit bilang  sanggunian (Referential)
        -Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

Halimbawa:
Image result for paggamit ng wika bilang sanggunian halimbawa
Kayo ay binigyan ng asignatura at sabi ng iyong guro na kunin ang sanggunian sa aklat na iyong ginamit.

5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
         - Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. 

Halimbawa:
Image result for surian ng wikang pambansa

Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino, komento ng isang mamamayan.

6. Patalinghaga (Poetic)
          - Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaa, prosa, sanaysay, at iba pa.

Halimbawa: 
Image result for mala pag ibig na tula
Ikaw ay sumulat ng isang tula sa matalinghagang paraan para sa iyong minamahal.